Tuesday, August 27, 2013

On Transparency and Accountability: Malabon in Focus

I apologize that this post will be in Filipino.  I guess, it sounded right and more heartfelt in our native tongue.  I feel that since it's a national/local concern, foreigner readers wouldn't really mind.  I have these rolling in my head for several years already, but I guess, today is the most opportune time to write it down and say it out loud. So here it goes...

Hindi ko matandaan kung paano nabuksan ang aking kamalayan sa corruption. Parang nung nagkaisip ako, alam ko na na nangyayari. Hindi ko lang sigurado kung paano. But today, I knew better. Napakalaking conspiracy. Naisip ko, "kaya pala." Kaya pala napakaraming gustong pumasok sa pulitika. Kaya pala may pumapatay pa para sa posisyon. Kaya pala milyun-milyon ang ginagasta sa kampanya kasi totoo palang babawiin din nila. In my mind something was up, I just couldn't nail it down. Yung "padding" sa mga kontrata ng gobyerno, kuha mo agad. Yung "lagay" para gumalaw ang mga tao sa ahensya ng gobyerno, madali ding intindihin. Pero etong paggawa ng foundations, para mabigyan ng donasyon, para may paglipatan ng pondo, ang galing nun! Sino kaya ang nakaisip nito? Sino ang nagpasimula ng isang sistema ng lehitimong pangungurakot? Eto yung example ng galing at talino na ginamit sa kasamaan at katiwalian.

Come to think of it, I want my government officials to be accountable and transparent. Pinasok nila ang pulitika, panagutin natin sila. Let's make it hard and shameful for them and their families kapag gumawa sila ng kalokohan.

Nakakatakot malaman kung paano nila winawaldas ang pera natin sa national level. Pero ako I'll start small. Sisimulan ko sa bayan namin. Sa mahal kong Malabon, na kahit binabaha ng bonggang-bongga, hindi ko maiwan. I have the following concerns, siguro eto ang kabit sa sikmura ko kaya eto ang gusto kong malaman. I want our elected officials in Malabon to give a full account on the following budget allocations and disbursements...
1. Flood control project
2. Housing for the poor
3. Improvement of public schools
4. Improvement of health centers and health care services
5. Environment-related projects
6. Improvement of infrastructures - roads, markets, government facilities (e.g. police detachment offices, barangay centers, jails)
7. Law and order

Saan kaya ma-a-access ang mga impormasyon tungkol dito?

Gusto ko pong humingi ng paunmanhin kung meron akong masasagasaan, pero gusto ko pong sabihin na hindi ko nararamdaman na may solidong programa para mapabuti ang Malabon at ang kalagayan ng mga taong nakatira dito. 36 years old na ko. Tatlong lugar na sa Malabon ang nilipatan ko. 7 years old pa lang ako, natatandaan kong binabaha na kami. Highlight ng elementary at high school days ko ang kinanselang klase dahil sa high tide. Isama mo pa dyan yung paliligo at panghuhuli ng isda sa baha dahil nung bata pa ako, malinis-linis pa ang tubig.  Nung nag-college ako, isa sa mga adventures ko ang lumusong sa baha ng naka-A line skirt dahil Miyerkules ng tanghali nung nag-suspend ng klase (Wednesday pa nun ang skirt day sa St. Scho). Nung nagka-trabaho ako, nakita ko ang sarili ko sa front page ng dyaryo dahil kinailangan kong sumakay ng styrofoam raft para lang makapasok sa opisina.  Nung nagka-asawa't anak ako, mas malala.
Nung Ondoy hanggang singit, nung Habagat hanggang ilong ko ang tubig sa loob ng bahay.  Hindi pa kasama dyan yung mga mild na pagbaha kapag may bagyo at high tide. Taon-taon kaming binabaha ng walang palya. Siguro naman hindi kalabisan kung maghanap ako ng pruweba o listahan man lang para malaman lang kung saan napunta ang kaban ng bayan.


Opinyon ko lang naman ito bilang taga-Malabon. At hindi rin ito para akusahan ang kahit na sino. O magbigay ng sweeping generalization. I demand transparency and accountability. Feeling ko, dito tayo pwedeng magsimula.  The basic of all questions.  Saan napunta ang pera? 

At sa lahat ng public officials, taga-Malabon man o hindi, eto lang ang masasabi ko... "Nandyan na rin lang kayo, galingan nyo na. And please don't point fingers. Ginusto nyo yan di ba? Di kayanin nyo. Pangatawanan nyo. Dapat lang."







No comments:

Post a Comment

I would love to hear from you. ;-)