Saturday, July 24, 2010

S's Baptism and R's 5th Birthday


I gave birth last May 4 to S. Even before that, I already knew that we would have her baptism in July para sabay na ng 5th birthday ng ate niya – R. We really wanted a double celebration kung saan imbitado lahat ng pinakamalalapit na kamag-anak at kaibigan namin. Kasi nung binyag ni R saka first birthday niya, hindi namin sila naimbita lahat. Besides, last binyag na namin ito kasi Ramir and I decided that S would be our last child, kahit wala kaming boy. We only wanted two children. Gender was not an issue kaya nagpa-ligate na ako. Also, we feel that it was a nice send off to Ramir's parents, who took care of R in all her five years, kasi they would be migrating to US come September. Dahil Ramir and I have big families, ending, we have a list of 200 guests (kids and adults na ito). So good luck talaga sa amin.


CHURCH
Hearts of Jesus and Mary Parish
Daily Mirror St. corner Bulletin St., West Triangle
371-9102
Contact Person: Ms. Dodo

PISO POWER:
P1,000 – Baptism Fee (including candles, baptism ritual and liturgical guide)
P100 – for every Ninong and Ninang

You will need your child’s birth certificate, list of godparents and a letter of permission from your parish kung hindi ka nila parishioner. You will need to settle the payments and requirements, 1 week before the baptism day. Naka-ilang balik ako kasi nung nagpunta kami, hindi pa final ang list of godparents so hindi pa kami nagbayad.

Nagtagal talaga kami sa letter of permission from our parish. Manong kasi yung pari sa amin kaya ayaw mag-issue ng letter kahit verbally pumapayag naman siya. Ayaw naman pumayag ni Ms. Dodo na walang letter of permission. So nag-compromise na lang kami. I got a letter of permission from my old parish. Eto yung parish na pinagsisimbahan ko nung dalaga pa ako kasi it’s the nearest church from my parents’ house. Hanggang ngayon, dun pa din kami nagsisimba kasi I’m a choir member there. Pinadagdag na lang ni Ms. Dodo yung address ng parents ko para hindi daw matanong kung bakit yun ang parish na nag-issue ng letter of permission.
Maganda yung church. Maganda rin yung baptistery. It’s a special baptism at 15-minute interval. Sunod-sunod. Walang pagitan. Kaya pag na-late ka, you will be put at the end of the line kasi nakapila na yung susunod. Kaya lang ang anak ko, may sumpong dahil hindi nakakumpleto ng tulog, umiyak siya ng bonggang-bongga. Mula sa simula hanggang matapos. Buti na lang mabait yung pari na nagbinyag kay Sunnie. Hinintay niyang mag-subside yung iyak, kahit hindi naman talaga tumigil si Sunnie. Maganda yung mga payo niya kaya lang hindi ko masyadong na-internalize. All in all, happy kami sa simbahang ito. We feel that it’s a good choice and it’s in close proximity with the reception venue.


RECEPTION VENUE

Tramway Garden Buffet
65 Timog Avenue
415-2005
410-4237
Contact Person: Sheryl, Rhona or Lyn

PISO POWER:
P235 – adults
P168 – kids
P8000 – venue

MENU (same for adults and kids):
Soup, Yang Chow Fried Rice, Pancit Canton Guisado, Steamed Fish, Sweet and sour pork, Fried Chicken, Mapo Tofu, Fried Wanton, Pork Tendon, Vegetable with Garlic, California Maki, Fried Pao, Century egg, Japanese steamed egg, Siomai, vegetable Salad, Macaroni Salad, Fruits, Buchi, Ginataan, Iced Tea

Dahil nga taga-Malabon kami, sa Malabon kami naghanap ng venue. Kaya lang there isn’t any venue big enough for 200. Yung kaisa-isang venue sa Malabon na kasya ang 200, hindi naman kasya sa budget. So the next best thing is Quezon City. Nakakain na kami ni Ramir minsan sa Tramway Garden. Eat-all-you-can sila. Masarap naman ang food at yun nga sky’s the limit. Nag-inquire ako dito at natuwa ako na may function room sila that can accommodate 250 pax at P8,000. Nung nag-compute ako, natuwa ako kasi pasok talaga siya. At ang kagandahan sa kanya, hindi ka matatakot na kulangin sa pagkain. Eksakto ang bilang ng tao. Pwede mong sabihin na 150 pax lang ang guaranteed pero kung 182 ang dumating, madami pa ring pagkain at you pay for 182 pax.

Medyo madilim lang yung lugar so kailangan mong bihisan ng konti para maliwanagan. Me malaking fountain nga pala ito sa gitna kaya lang parang walang nakaalala na buksan ito. Ang hindi ko lang gusto, walang table cloth, pero maganda naman ang table nila. Dark wood ang itsura tapos madaling punasan, kahit walang balot presentable pa din. Kung gusto mo ng table cloth, P30 per table.

Sa buffet table, walang set-up. No centerpiece, no flowers pero in fairness, may table cloth naman free of charge. P480 ang charge ng bawat electrical equipment na ipapasok mo. Humingi na lang kami ng flat rate para hindi naman mabigat sa bulsa. So for the choco fountain, electric griller and fryer (for the foodcarts) saka photobooth, they charged us P1,500. Hindi ko na inavail yung sound system nila na P1,000 kasi may dala naman yung host na sound system. Yun nga lang di kasama yun sa flat rate kaya bayad na naman ako ng 480 pesos. Hindi na ako umangal kasi hindi naman nila kami siningil nung nag-inflate kami ng balloons, the day before. Binuksan pa nila yung cooler. They usually open at 9am for the set-up but they allowed us to set-up at 8am. Mababait yung mga staff nila lalong lalo na si Lyn saka si Sheryl.

I think panalo ang Tramway kasi mabubusog talaga ang guest. Sila na talaga ang aayaw. Sa loob ng 3 hours, kahit makailang balik sila pwede.


Alam ko na napakarami kong id-DIY para pumasok sa budget namin. Buti na lang at naka-maternity leave ako ng mahaba-haba kaya may oras akong gawin ang mga bagay-bagay.

I started with a theme. I know it’s going to be a rainbow theme kasi nga naman pag pinagsama ang ulan at araw, may rainbow.


INVITES and MAPS
Layout by me
Maps by hubby
Printing by ALVA sa UP SHOPPING CENTER

PISO POWER:
P30 for an 11x17 (digital printing) - kasya ang 3 invite sa 11x17

Ang gusto namin ni Ramir, hindi lang printed sa photo paper. We wanted a pop-up invitation. At talagang kinareer naming mag-asawa ito. Gumawa muna kami ng proto-type. Si Ramir ang nag-isip kung paano tatayo ang rainbow. Nung naisip na niya at nalaman na namin ang gagawin, yun na. The wheels in my head started turning. I downloaded the happy go lucky digiscrapping kit sa shabbyprincess.com. Ni-layout ko siya sa photoshop. Ang kasya sa 11x17 ay tatlong invitation. Tapos nag-latag kami ng puro rainbow sa isang 11x17. Nagpa-print kami sa UP Shopping Center. P30 pesos ang isang 11x17. We have 15 copies printed for 45 invites. We cut it then folded it tapos isa-isa naming idinikit ang mga rainbow. Natuwa ako talaga dito kasi pumapatak na P15 pesos lang ang isang invitation, pop-up pa. Yun nga lang, sakit ng kamay namin sa kakagupit at kakadikit. Pero happy kami kasi ang daming nagandahan. May mga nagpapatulong na nga para sa sarili nilang invites.

As for the maps, si Ramir naman ang kumarir nito. Ginawa niya sa Excel. Dahil most of our guests would be coming from Malabon, kailangan talaga ng mapa. We also gave instructions kung paano pumunta sa venue through public transportation. We just printed this sa aming reliable printer. Bumili na lang kami ng envelopes sa National Bookstore.


DECORS
BALLOONS – GL Products
367-8733, 366-0452
Contact Person: Janet

SWAGS – Yanple
Apple Cabel – 09285211028

SET-UP/SETDOWN – Mike Enteria

PISO POWER:
For 200++ balloons of assorted colors and sizes – P1800
Swags of 4 colors – P1000
Set-up/Set down (3 pax) – P1500 (including day-before preparations)

Hanggang P4,500 lang talaga ang budget ko sa decors. So naghanap ako ng balloon supplier. Kaya lang, parang di nila kaya yung budget ko. Ang problema ko, hindi ko kayang mag-inflate ng ganung karaming lobo kasi handpump lang ang meron ako. Nung tinawagan ko yung GL Products, sabi nila meron silang 250 delivery and inflation charge. Sobrang happy ako dito kasi, hindi ko naisip na may papayag na wholesale ang presyo ng lobo tapos wholesale din ang presyo ng delivery at inflation. Dahil pasok na pasok siya sa budget ko, go na ko agad. Sobrang bait at daling kausap ni Janet saka ang bait ni Jojit (delivery and inflation guy). Naisip ko, buti na lang nahanap ko sila kung hindi, walang décor dahil hindi ko pala talaga kayang karerin na mag-inflate ng ganung karaming lobo.

Yung centerpiece na ginawa ko, bote ng coke sakto, nilagyan ko ng buhangin, binalutan ng white ang blue Japanese paper, nilagyan ng thank you tag at curling ribbon. Nilagyan ng apat na lobo at magandang centerpiece na. Wala akong nai-uwi nito, naubos after ng party.

Sobrang thankful ako kay Apple. Kasi idinaan niya sa Tramway yung mga swags. Hindi kasi kaya ng powers ko to pick it up outside QC. Buti na lang may pupuntahan siya sa QC kaya naidaan niya. Sa totoo lang sumosyal ang itsura at nabuhay ang lugar dahil sa mga swags ni Apple. Balak ko pang bumili ng swags sa Divi kaya lang sobrang hassle na nito para sa akin kaya nung sumagot si Apple na meron siya at P250 each, hay, siya ang sumagip sa akin.

Ang sabit sa araw na yun ay set-up. Buti na lang, nagkita kami ni Mike the day before para makapag-prepare. Nag-assist siya habang nagi-inflate ng lobo si Jojit. Nag-strings na kami ng lobo saka nilagay na niya yung mga balloons sa bote. On the day, sila ang nagsabit ng tarps, naglagay ng stand sa photo displays, nagkalagay ng swags at nagsabit ng balloons. Kaya lang medyo kinapos sila sa oras. Dumadating na yung ibang guests, nagsasabit pa rin sila. Hindi na ako na-high blood. Sayang lang kasi may mga ilang lobo na hindi na nila naisabit. Pero happy pa rin kasi maganda naman ang naging effect nung mga ginawa nila.


TARPS and PHOTO DISPLAY
Layout by me
PISO POWER:
Free printing by sister-in-law

Buti na lang free, kung hindi ang mahal.
Ang laki kasi ng tarpaulin - 9x10ft sa stage, 3x7ft sa entrance, 2 na 4x3ft photo display. Ang daming natuwa dito kasi nga ang laki tapos yung photo display printed sa plywood. Ang ganda. Ang laki ng pasasalamat ko kasi sinagot ito ng sister-in-law ko. Bawas gastos, ganda ng effect.

GIVEAWAYS


FOR NINONGS AND NINANGS
Personal Prayers Pack
Papemelroti
412-6487
Contact: Aiko

PISO POWER - P49 each

Nagpunta kami sa main branch ng Papemelroti sa Roces, bought around 20 pieces of this. In a box, may mga prayers. We chose the leaves sonata box. Nagpa-print na lang kami sa sticker paper sa Alva to personalize it. Tied it with a silver ribbon and yun na. Mura na, relevant pa. Happy.


FOR KIDS
Starbucks-like Tumbler
Divi Mall

PISO POWER – P30 each

Naku, katakot-takot na tawad ang ginawa namin ni Ramir dito. P35 talaga ito, buti na lang pumayag na P30. We bought 50 pieces of this. Ako ang nag-layout tapos ipina-print namin sa Alva yung insert then tied a thank you tag. Konti lang yung bata nung party siguro mga 25 lang kaya lang pati matanda naghingian, ayun, ubos. Bumili kami ng candies and put it inside. Parang lootbag na rin. Wipe out, walang natira.


FOR ALL
Photos from Partypics Photobooth
0917-8231726
0922-8231721
Contact: Nadia Deocadiz

PISO POWER – P7,000

Si Ramir ang may gusto nito. Buti na lang pumayag ako. Blockbuster ang pila, parang pelikula ni FPJ (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). Supplier ang Partypics nung wedding the friend ko last December. Maganda yung quality ng pictures ng Partypics. Hindi mukhang printed lang kung saan. Maganda din sila mag-layout. Buti na lang may promo sila at that time. 7,000 unlimited prints for 3 hours, unlimited photo stand, customized lay-out, customized backdrop. Sobrang good deal. Ang natutunan ko dito, dapat nag-stop time kami nung kumain na ang mga tao. Medyo natengga ng ilang minutes kasi nagkainan na. Mas maganda na mas maraming oras sa dulo kasi pag nag-uuwian na ang mga tao, dun nila kakarerin ang pagpila. Mas maganda din na malapit sa pinto. Para pagpasok o paglabas ng mga tao, pwede silang magpa-picture. Pero kudos kay Partypics kasi maaga na silang nag-start pumayag pa sila na mag-extend ng konti without additional charge. Ang gusto ko sa partypics, pag ibinigay nila yung DVD, may folder na naka-grid yung mga pictures ng mga tao (the ones they took home) and may folder na nandun lahat yung raw (isa-isa). Pati sa website nila, ganun din kaya pwede mong sabihin sa mga tao na bisitahin na lang nila yung website para ma-grab nila yung photos nila. Ang napansin ko lang sa props nila, hindi yata nadagdagan. Kung ano yung ginamit namin nung December, yun pa din props nila. Pero no complains. Mabait si Ms. Nadia, mabilis silang mag-revise. And they’re very easy to deal with. Ako na rin pala yung nag-layout nung backdrop. Wala namang problema sa kanila, OC lang talaga ko. Kaya ayun. Saya. Winner ito.


FOODCARTS
Mixballs
Ice Cream
Hotdog
Yanple - 0928-5211028
Contact: Apple Cabel
http://yanplepartyshop.multiply.com/

PISO POWER: P6,500 for the 3 carts (100 servings)
(Nanay ko ang sumagot nito kaya hindi kumarga sa over-all budget)

Nanay ko ang nag-suggest nito. Kaya siya din ang sumagot. Regalo na rin daw niya. Para din daw sa mga bata. Syempre, pumayag ako agad. Nagtanong-tanong din ako sa ibang suppliers kaya lang si Apple talaga ang nanalo sa presyo. Ang bilis din niyang sumagot at syempre, dahil sa mga swags na ipina-rent niya, mas ok kung sa kanya na rin ako kukuha ng food carts para isang tao na lang ang ka-deal ko. Ang bait naman at super daling kausap kasi tinanong pa niya sa akin kung anong theme ko at yun din ang pinadala niyang tarp para sa mga carts. Salamat kay Apple, ubos din ito. Wipe out. Mixballs lang ang natikman ko. Si R, hindi din nakapag-ice cream kasi nung naisip niya na gusto niya, ubos na.


SIDE ENTERTAINMENT
Face painting, Henna Tattoo, Glitter Tattoo, Kid’s Salon (Hair Color, Nail Art, Make-Up)
3 Premium Artists
ArtsnFaces
Contact: Libby
0908-1101130

PISO POWER: P5,000 (3 hours unlimited)

Eto talaga ang pinangarap ni R sa birthday niya. Nung tinanong niya sa akin kung sa birthday niya pwede siyang magpa-face paint, magpa-hair color, magpa-nail art at magpa-make up at oo ang naging sagot ko, inakap niya ko at sinabing “I love you, Mama. Thank you talaga.” Kaya the night before the party, sulit ang pagod at quota na ako.

Ang galing nito. Lahat yata ng bata may ipinalagay. Pati matatanda nakipila rin. Ang ganda ng trabaho nila. Parang hindi rin yata sila nabakante kasi nga pinilahan talaga sila. Yung iba, pagkatapos magpagawa, sa photobooth na dumiretso. Hindi ko alam kung sino ang nakaisip na pagtabihin sila. Kasi good idea siya. I also instruct them na unahin si Rainie sa mga bata para hindi na siya pipila at maghihintay ng matagal. Nasunod naman kaya pag may dumadating na bisita at binabati si R, binabati din pati ang mga pinalagay niya. So happy ang birthday girl.

Hypo-allergenic daw ang mga gamit ng Artnfaces. Ang maganda sa kanila, they give out hair accessories, jewels and studs for free. Si R kasi saka yung ibang bata na nagpa-hair color may mga clips akong nakita na nakalagay sa buhok nila. Included sa package. As for the facepainting, may mga studs and small jewels din silang nilagay. Sa akin, it was a good deal. Madali ding kausap si Ms. Libby. She just instructed me to prepare a long table with 6 to 8 chairs na malapit sa outlet. Hindi ko na nga sila nakamusta. Basta, gawa lang sila ng gawa. Mukhang happy naman yung mga guests. Sabi ni Ramir, medyo nabakante daw sila nung nagkainan na. Hindi ko alam kung may stop time sila katulad ng photobooth. I think value for money din ang isang ito. Yung iba kasing supplier na napagtanungan ko, facepainting lang, P2,500 na. So for P5,000 at tatlo sila na magagaling, waging-wagi!


JIGGLES the Balloonlady
Jing Callanta
0920-9246022

PISO POWER
P7,500 (7,000 lang talaga pero may additional charge sa QC area. Package includes Balloon show and hosting)

Wala talaga akong balak na kumuha ng host. Gusto ko lang chika-chika. Kaya lang ang sabi ni Ramir, baka daw ma-bore ang mga guests. Kaya ang gusto niya may entertainment saka may mga games. Ako naman, willing. Pinagpipilian ko siya o isang magician, kaya lang mas mahal ng 1k ang rate ng magagaling na magician/hosts. Saka most of the parties I’ve been to, magicians na. I read good reviews kay Jiggles. Saka gusto ko siya kasi naiiba. You don’t usually see a balloon twister with her caliber. Kaya I opted to get her. I inquired kung libre siya sa date and time ng party namin. Buti na lang. Isa siyang blessing. Kasi she kept the whole party going. She kept the audience, children and adult, glued to her show. Wala nga akong kiddie chairs pero yung mga bata ang nanghila ng mga chairs para mas malapit sila kay Jiggles. Magagaling namang manghula ang mga kids (with adults’ coachings) kaya naman nakapag-uwi sila ng extra-ordinary balloon twisted figures. Natuwa ang mga guests kasi marami sa kanila ang first time lang na-encounter si Jiggles. Kahit nga ako, first time ko siyang mapanood at ang galing niya talaga. Bilib kami. Sulit bayad ika nga. Magaling din siyang mag-host. Walang umuwi. Kung meron man, konti lang kasi me mga prior commitments sila. Pero most of our guests stayed throughout the program. And even the adults were all game to participate in her games. No words can express how thankful I am for her services. Dahil sa kanya kaya nakatipid din kami kasi she agreed na wag na kaming mag-rent ng sound system kasi yung dala niya would suffice. Siya din ang nag-assist sa amin to give away the loots. Nakalimutan ko na yung mga mini cupcakes, kasi nasa taas ng stage, siya ang nagbaba at nagbigay sa mga kids. Siya rin ang nag-ayos ng mga prizes. Siya din ang nag-suggest that we hold the games sa baba ng stage kasi baka mahulog ang mga bata. Hay, marami siyang naisip na hindi ko na maiisip. Windang na kasi ako kakaistima ng bisita. Buti na lang, may sound mind na nag-iisip for us. Ibang level ang energy ng taong ito. Abot langit ang pasasalamat ko sa kanya. Applause. Applause.


MESSAGE SHEETS
Layout by Me
Printed by our reliable printer

Instead of a guest book, we opted for message sheets. Nag-iwan kami ng mga papel at ballpen sa table. Pinasulat namin sila ng message tapos we collected these and raffled them off. Hindi lahat nakasulat pero yung mga masipag na nagsulat ng mensahe sa magkapatid na maswerteng nabunot sa raffle, nakapag-uwi ng mga mini carebear stuff toys.


(0917) 8135678
Contact: Win Ferrer

PISO POWER: P5,000
(Win as main photog, 1 back-up photog, 2 locations, unlimited hours, unlimited shots)

Nung mga dating parties na ginawa namin, kami-kami lang ang nagpi-picture. At laking pagsisisi ko. Kasi ang hirap pala nung pati pictures iintindihin mo. Ending, wala kaming masyadong matitinong pictures. So ngayon, alam ko na kukuha kami ng photographer kasi dapat may photos kami na maayos. Kaya lang limited nga ang budget namin. Most of the photogs na nahanap ko, 3,500 to 5,000 ang budget range pero isang photog lang. May additional pang bayad kung lilipat ng location o kaya lalagpas ng 3 hours. E dahil nga binyag at party, sure na 2 locations at lagpas sa 3 hours, e 200 pa ang estimated guests namin so sobrang good deal yung sa Sophia. Nung nag-inquire ako kay Win, willing akong magbayad ng P5,000 kasi dalawa sila. Pero nung malapit na ang party, sabi niya baka daw hindi na siya ang main photog kasi birthday din ng anak niya at gusto ng misis niya na maghanda sila. Nalungkot ako pero ok na rin kasi 2 pa rin naman yung photographers at less 1,000 kung hindi si Win ang main photographer. I texted him na sana siya pa rin, he made a very good compromise. Sabi niya, pupunta siya at baka uuwi na lang siya ng maaga, so I’ll have 3 photographers on my event at 5,000 yun nga lang baka he needs to leave early. I felt it was a good offer, kaya pumayag na ako. Good thing, he stayed the whole party. So I have 3 photographers for the whole event. Maayos kausap si Win. Sa text lang kami nag-agree. Nauna pa silang dumating sa amin sa church. They took wonderful shots of Rainie and nung binyag ni Sunnie, may mga shots na lovable looking kahit buong binyag siyang nagwawala. I think they had a very good coverage of the event. Ang sipag nina Nats and Jikoy. I don’t need to tell them what to do. Ang dami nilang kuha na ang feeling ko, “kalian to?” “nangyari pala to?” Or “uy, pati ito nakunan nila?” Pati yung mga guests namin ang dami ding magagandang kuha. Ang panalo sa lahat yung asawa ko. Since siya ang laging may buhat kay Sunnie, ayun, ang dami nilang magagandang kuha. Inggit nga ako. Meron akong wishlist na hindi ko na naibigay pero good thing, lahat yun nakuhanan nila. I’m so happy with this kasi ngayon, ang dami naming photos. Totoo yung sabi nila na after the event, all you would have are memories, buti na lang I got them. Galing. Happy.

CHOCOLATE FOUNTAIN
Crossings, Quezon Avenue

PISO POWER: P3,199

CHOCOLATE DIPPINGS, ETC.
Chocolate Lovers and Grocery Store
Chocolate Fountain Syrup (Premium)
Marshmallows with Jelly
Strawberry and melon flavored Marshmallows
Stickos in chocolate, pandan and strawberry
Breadsticks
Paper plates, toothpicks, napkins

PISO POWER: Around P600

Ang gusto ko may chocolate fountain. We decided to buy a chocolate fountain para sa mga susunod na events, dippings na lang ang bibilhin namin. We bought one in Crossings sa may Quezon Avenue. The brand is Sunnex. Sabi kasi ng sales person, maganda daw yung brand na yun kasi Japan made. Naniwala naman kami. It’s a mini fountain at 3,199.00. 3,500 kasi ang budget ko dito kaya binili ko na kasi pasok naman sa budget. Nung chineck na namin sa bahay ng may syrup, hala, ayaw gumana. Yun pala, defective yung parang spiral part in the middle. So yun, binalik namin. Pinalitan naman agad. Nung sinubukan namin ng may syrup gumana na siya. Ang kagandahan lang sa brand na ito, meron siyang heat and flow function. As you put in the chocolate, iniinit niya rin ito for a smoother flow. Hindi rin hassle kung malamig yung lugar kasi hindi titigas yung chocolate because of this function. Medyo mahirap lang linisin kasi hindi natatanggal yun plate. You need to drain the chocolate, then remove the parts, then wipe, wash and dry. Based on our experience, mas madaling linisin kung mainit na tubig ang gamit.

Konti na lang yung natira sa chocolate, may konti ring mga dippings na natira. I gave this to the staff ng Tramway. Masarap yung chocolate, ok din yung dippings. Nanghiram na lang kami sa Tramwy ng lalagyan ng mga dippings. Pabalik-balik ang mga bata kasi maliit lang yung fountain, abot na abot nila. At ang pinaka-ok sa lahat, 3 hours na bukas yung fountain pero hindi nasira. Walang aberyang nangyari. Sa susunod na event, kahit sa pasko, may choco fountain na!


PRIZES
Divisoria Mall
Around 150+++ Assorted toys

PISO POWER: P1,800

Ang dami nito as in. Bata at matanda, daming naiuwing toys. Hindi pa nagsisimula ang games, umaali-aligid na ang mga bata. May mga bata ngang ayaw bitiwan ang mga laruan kahit hindi naman sila nanalo. Masaya talaga sa Divi kasi wholesale price. Sunday kami ng umaga laging nagpupunta ni Ramir kasi konti lang ang tao saka may parking malapit sa Divi Mall. Here’s the list of what we got.

Playdoh
Snakes and ladders
Colored Pens
Stamps
Ben 10 pogs
Paint set
Pens with LED
Stressballs
Helicopters
Assemble your own skateboards
Bead sets
Bubbles
Fishing games
Shell na umiilaw
Yoyos
Jackstones
Carebears stuff toys
Golf set
Magic slates



Matching dresses for Rainie and Sunnie, matching top for me
ANGIE FLORES
0915-9418871

PISO POWER: P1,350 (for the 3 pieces)

Gusto ko pare-pareho kaming mag-iina ng damit. Wala na akong balak maghanap sa mall kasi ubos oras lang yun. Sa nanay na nagpapadede ng anak, wala ng oras para maghanap pa ng damit. Ang solusyon si Angie Flores. Nakilala ko siya nung ni-refer ako ng friend ko sa kanya para itahi ng damit for a wedding. Buti na lang. Naging suki niya ako bigla. Maganda tumahi, mura pa.


CAKE
Frupcakes
(0917) 844-6064
Contact: Clarissa Banaag

PISO POWER:
4inches+6inches round cake (chocolate), plus 113 mini cupcakes = P2,990 (including cupcake tower rental and delivery)

Nakita ko yung website ng Frupcakes and I was impressed. Magaganda yung creations ni Clarissa. Hindi pa ako nakakatikim ng Frupcakes pero based on reviews, masarap daw siya. Siguro a month before the event ako nag-inquire sa kanya, buti na lang pwede pa. Kasi lagi siyang fully booked. I emailed her the specs ng gusto ko, she quoted me the price and emailed me the design of the cake. Natuwa ako kasi hindi ko naman naisip na pakikitaan niya ko ng design. She’s so professional. Hindi ko naman inilihim sa kanya na tipid mode nga ako kaya hindi ko mai-a-avail yung stick things niya. Sabi ko, ako na lang ang gagawa. She volunteered to arrange it for me. Sobra akong happy kasi it’s one thing off my back. Nag-layout ako ng stick things, pina-print ko through Alva, dinikit ko sa toothpick, pina-Air21 ko siya kay Clarissa. At natupad nga ang sinabi niya. Siya ang nag-ayos ng stick things. Ang ganda lumabas nung cupcake tower. At hindi lang yun, ang sarap ng cake at mini cupcakes niya. Lalong lalo na yung peanut butter and banana. As in. Yung mga guests ko na nakatikim, hayun, kumuha ng lalagyan at nag-take home. Nung nagkita kami ulit ng mga guests ko, hindi pa rin nila malimutan ang sarap ng Frupcakes ni Clarissa.

Sa totoo, lumampas kami sa budget. Pero tolerable naman yung over. Nag-prepare din talaga kami ng buffer. Pero it was fun. It was worth it. Siguro, hindi na namin mare-replicate yung ginawa namin dito, but looking back, I realized that as a mother, you would give everything for your children. Yung mga bagay na mahihirap, you'll try to find ways to make it happen. Also, planning a party on your own, was no joke. Nakakapagod talaga siya and it was consuming to the point na araw-araw mo siyang iniisip. Buti na lang I have a very supportive husband and sister. Ramir was my assitant. He was with me all through out the preparations. He's also the voice in my head. Taga-kontra sa mga gusto ko pang pagkagastusan. My sister and her fiancee helped me with a lot of things. Sila tumulong sa amin to cut the invites and other printed paraphernalias. Sa sister ko ibinilin ang lahat na mangyayaring preparations sa reception venue kasi nga we would be at the church. And she didn't fail. She is always reliable.

Kahit na-stress ako sa party na ito, I'm very happy kasi it also became my creative outlet. Ibinuhos ko ang creative powers ko dito. Hindi ko talaga magagawa ito kung pumapasok na ako.

I would want my children to look back at this day and feel how much Ramir and I loved both of them and how we wanted our families to celebrate with us now that we're parents of very lovable and special sisters.

Some of the photos are here:


6 comments:

  1. hello,

    fellow n@wie here! congrats sa successful event. :)

    ReplyDelete
  2. congratulations! looks like everybody had fun. i love that scrapbook kit, too. =)

    and btw, your kids and their names names are so cute!

    ReplyDelete
  3. WOW thanks for sharing your kiddie party story.. been searching and looking around for some ideas kasi first time ko lang magpa-kiddie party. ANg hirap naman kasi na nandito kami sa Japan, ang sister ko lang mag-aasikaso, newbie din sya kaya great challenge ito sa kanya.. My gosh, naiistress na rin ako, kasi dapat pala 6 months ahead of time kami dapat nagplano.. Sa october na gaganapin, til now, venue palang ang sure...

    Anyway, nakita ko pala sa GT itong post mo.. I might need your advice din if ever.. first time ko din dito sa blog mo..

    This post helped me somehow =) Thanks

    ReplyDelete
  4. @Tintin.Tentay and Leslie: Thank you!

    @Bambi Dear: I'll be glad to help. Thanks for dropping by. :-)

    ReplyDelete
  5. hello there! tagal na since my last visit. hope all's well! it looked like a grand celebration by the way.-bits & pieces

    ReplyDelete
  6. Hello Sis,

    Ask ko lang san ka nakabuy ng Chocolate Fountain Syrup (Premium)?

    pareply naman po arlene5781@yahoo.com
    desperate na ksi ako kung san ako makakakita nito e.


    Salamat po

    ReplyDelete

I would love to hear from you. ;-)